AYON SA MGA BITUIN, TOO
from professionalheckler.wordpress.com
APOLOGIES for the late post. I slipped in the shower around 1:30am last Friday. My doctors said I had “cerebral and labyrinthine concussion secondary to fall.” Whatever that means.
I was even invited to appear on a talk show to discuss the accident but I declined. What for?! Wala naman akong kapatid na presidentiable!
But guess what I did seconds after my fall that fateful morning. Nahh, I didn’t go to the hospital.
I twitted, of course! Aren’t you following me on Twitter? Here’s my pre-dawn tweet last Friday:
“My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 a.m.”
Now you know.
The Stars and the Vice Presidential Candidates
NAGAGALAK ang mga bituin sa matagumpay na first installment ng kanyang mga hula sa siyam na kandidato sa pagkapangulo.
Patunay ng tagumpay ang pagkalat ng artikulong “AYON SA MGA BITUIN” sa iba’t ibang blogs, Internet forums, social networking sites katulad ng Facebook, sa isang political TV talk show, at lalung-lalo na sa e-mail. Maging si Professional Heckler ay tumanggap ng naturang email mula sa isa niyang kamag-anak sa ibang bansa na may ganitong Subject: “Basahin mo ‘to ‘insan, nakakatawa!” Sumagot si Professional Heckler: “’Insan, are u insane? Mas patawa ka! Sa aking blog nanggaling ‘yan! Tanga!”
Sa kabila ng pagkalat at pag-ikot ng artikulong ‘yan sas cyberspace (na kadalasa’y wala man lang attribution sa orihinal na author), malaki pa rin ang pasasalamat ng mga bituin sa inyong walang sawang pagtangkilik.
Dahil diyan, nabuo ang “AYON SA MGA BITUIN, TOO” – matapang na mga hula para sa mga kandidato sa pagka-pangalawang pangulo.
Ngunit bunsod ng patuloy na pag-init ng panahon, mainit din ang ulo ng mga bituin. Prangka sila ngayon. Unahin na natin si…
Jejomar “Jojo” Binay
Puwersa ng Masang Pilipino
Born: November 11, 1941
Sign: Scorpio
Isa ka sa pinakamapalad na pulitiko sa Pilipinas ngayon. Mula 1986 ay nasa kapangyarihan ka na at ang iyong pamilya. Sinong mag-aakalang nine years old pa lamang ang unico ijo mong si Junjun nang una kang maluklok sa Republika ng Makati? Intact pa ang balat sa “junjun” ni Junjun nang magsimula ang iyong paghahari. Fast-forward to 2010, biyudo na si Junjun ngunit nasa puwesto ka pa rin. Lupet! Siguro Energizer ka, “It keeps going and going and going.” O baka naman Banco Filipino, “Subok na Matibay. Subok na Matatag.” Pero dahil ikaw ay pulitiko, malamang na-inspire ka ng Sprite, “Obey your thirst.”
Dalawampu’t apat na taon ka nang sinusuwerte. Hindi ka nakakaranas ng pagkatalo. Ngunit sabi nga ng mga kaibigan kong planeta, “There is always a first time.” At mararanasan mo ‘yan ngayong darating na Mayo.
Jose “Jay” Sonza
Kilusang Bagong Lipunan
Born: September 20, 1955
Sign: Virgo
Kung sinumang nag-udyok na ika’y tumakbo sa pagka-bise presidente ay may lihim na galit sa ‘yo. Huwag itong palampasin. Hanapin siya at papanagutin.
Mabibigo ka sa darating na eleksyon ngunit muling aangat ang iyong career sa telebisyon. Maging ang kapartido mong si Imelda Papin ay hindi rin papalarin sa pagka-senador. Bago matapos ang taon, magsasama kayo sa isang talk show, ang “Mel and Jay.”
Paalala lamang ng mga bituin: huwag na huwag huhubarin ang suot na salamin upang ‘di paghinalaang ikaw at si Binay ay iisa.
Dominador Chipeco
Ang Kapatiran Party
Born: Feb 14, 1943
Sign: Aquarius
Nahihirapang basahin ng mga bituin ang iyong kapalaran. Hindi pa sila pamilyar sa iyong personalidad. Maging ang galaw ng mga planeta ay hindi sapat upang mabigyan ka ng payo o babala kaugnay ng nalalapit na halalan. Gayunpaman, may nais iparating na mensahe sa ‘yo ang mga bituin at planeta: Belated Happy Birthday! ‘Yun lang.
Perfecto “Jun” Yasay
Bangon Pilipinas Movement
Born: Jan 27, 1947
Sign:Aquarius
Napag-alaman ng mga bituin na hindi ka raw naniniwala sa horoscope katulad ng standard-bearer mong si Bro. Eddie Villanueva na isa ring Born-Again Christian. Really?
Naku, huwag kang magsinungaling. Baka tamaan ka ng kidlat!
Bayani “BF” Fernando
Bagumbayan Party
Born: July 25, 1946
Sign: Leo
Magtatalo kayo ng kapartido mong si Richard Gordon sa mga susunod na araw. Hindi kasi siya sang-ayon sa mungkahi mong mag-install ng pink urinals sa kahabaan ng Maharlika Highway o Pan-Philippine Highway.
Magkakaroon din ng iringan ang inyong respective wives. Pagtatalunan nina Mayor Kate Gordon at Mayor Marides Fernando kung sino ang karapat-dapat gumanap bilang Megan Fox sa out-of-town campaign ng Transformers.
Eduardo “Edu” Manzano
Lakas-Kampi-CMD
Born: September 14, 1955
Sign: Virgo
Kung suwerte ang pagbabatayan, pumapangalawa ka sa kaaway mong si Jejomar Binay. Imagine, magkukunwari ka lang vice presidential candidate pero anim na beses na mas malaki ang iyong TF kumpara kay Dolphy! Saludo ang mga bituin sa ‘yong mautak at praktikal na desisyon.
May isang payo lang sa ‘yo ang mga bituin: Ingatan ang madalas na out-of-town sorties kasama si Gilbert Teodoro. Alam ng mga bituin ang iyong weakness: madali kang mag-fall. Baka ma-tsismis kayo. Ayaw ni Pinky Webb ng ganyan.
Lorna Regina “Loren” Legarda
Nationalist People’s Coalition/Nacionalista Party
Born: January 28, 1960
Sign: Aquarius
Career-wise, malabong makamit ang ambisyong maging bise-presidente sa darating na Mayo o kahit sa taong 2016 o 2022. Balewalain ang sulsol ng isang matandang senador na minsan na ring nagbitiw sa ‘yo ng linyang, “Don’t give up, love.” Unang-una, hindi birong matalo sa dalawang sunod na eleksyon. At pangalawa, may asawang tao na ang senador na ‘yun. Anong love, love ang pinagsasasabi niya d’yan! Tumigil s’ya!
Dahil sa bigong kandidatura sa ilalim ng NPC/NP alliance, mapapaluhod, mapapapikit, at mapapausal ka ng ganitong panalangin: “Lord, promise, last na talaga ito. Huwag sana kayong magalit. Gusto ko namang itry ang Partido Liberal.”
Manuel “Mar” Roxas II
Liberal Party
Born: May 13, 1957
Sign: Taurus
Maraming vibrations ang mga stars tungkol sa pagsasama n’yo ni Madam Korina. Ngunit baka hindi mo magustuhan ang mga ito at masabihan mo pa ang mga bituin, “I demand that that be removed from the horoscope section! That is an affront to my wife.“
Delikado. Baka mag-demand na naman ng apology si Korina.
So ito na lang: Mag-ingat ka sa pro-Binay faction sa Liberal Party. Tumitira sila nang patalikod. Unless, trip mo ‘yun.
—————————-
At sa inyong lahat, laging tandaan ang paalala ni Zenaida “Syzygy” Seva:
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”
Ulitin natin. Pero mas malakas. “Hindi hawak ng mga bituin ang ating…”
Aba, aba, aba at talagang uulitin mo nga. Masunurin ka talaga.
Tama na.
Have a safe and productive week!
Photos were taken from the Facebook accounts of the candidates.
-----------
Survey Says
Ilang kandidato sa pagka-senador ang iyong iboboto sa May 10?
12, para sulit ang boto! 36%
Hmm, less than 6. 27%
Wala! Punyeta silang lahat! 36%
We have a new survey. Please vote now.
Personal
Maraming salamat sa lahat ng kumentong iniiwan n’yo sa blog na ito. Positibo man o negatibo, go lang nang go! I rarely reply to your comments but that doesn’t mean na balewala sa akin ang inyong reaksyon. I appreciate you more than I appreciate our bishops. (Ano raw?) Go Secretary Cabral!

0 Responses to "AYON SA MGA BITUIN, TOO"
Post a Comment