AYON SA MGA BITUIN
from professionalheckler.wordpress.com
ANO ANG SINASABI NG MGA BITUIN sa kapalaran ng siyam na kandidato sa pagkapangulo ngayong linggong ito? Narito.
Basahin, limiin, unawain, at seryosohin. Ngunit laging tandaan ang paalala ni Zenaida ‘Syzygy’ Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.”
Ulitin natin. Pero sa pagkakataong ito, basahin nang malakas at imadyinin si Zenaida Seva habang binibigkas ang linya, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” At inulit mo naman. Masunuring bata!
Noynoy Aquino
February 8, 1960
Aquarius:
Iwasang magtungo sa Quiapo. Baka mapagbintangan kang bumibili ng survey.
Sa pag-ibig, magpapasya ka this week sa regalong ibibigay mo kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa Valentine’s Day. Huwag mo itong ipaalam kay Kris. Pagtatawanan ka lang niya at sasabihang “Gosh, how cheap!”
Hahabol sa kasikatan ng “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” jingle ni Manny Villar ang NOY|NOY! jingle kung saan tinangka mong mag-rap katulad ng idolo mong si Vanilla Ice. Ngunit makabubuting panoorin ang ginawa mong pagsayaw sa naturang patalastas. Ginawa na ni Villar ang ganyang gimmick noong 2007. Utang na loob, huwag mo nang ulitin. Mukha kang tanga!
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy & Mommy Cory
JC De Los Reyes
February 14, 1970
Aquarius:
Saludo ang mga bituin sa iyong tapang at determinasyong tumakbo sa pagkapangulo ng ating bansa. Ngunit mas sasaludo sila sa ‘yo kung ikaw ay uurong.
Joseph Estrada
April 19, 1937
Aries:
Hindi ka si Harry Houdini. Hindi ka rin si David Copperfield. At lalong hindi ka si David Blaine. Pero ang tanong ng mga bituin: bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa rin sa illusion?
Patuloy na bebenta ang iyong mga jokes sa mga presidential forum. Ikaw ang aani ng pinakamalakas na tawanan at palakpak mula sa crowd. Subalit ipinapayo ng mga bituin na limitahan ang dami ng binibitawan mong jokes. Baka mapagkamalan kang si Dolphy at kunin kang endorser ni Villar.
Richard Gordon
August 5, 1945
Leo:
Bilib ang mga bituin sa talas at husay ng iyong utak lalo na sa mga debate at presidential forum. Ngunit mag-ingat sa napakabilis na pagsasalita. Baka malunok mo ang iyong maigsing dila. Iisa pa lamang ang successful tongue transplant sa mundo.
Limitahan din ang paggamit sa Subic at Olongapo sa mga debate. Given na ‘yon. Sinuwerte ka lang dahil doon ka nahalal na alkalde. Kung ikaw ang naging mayor ng Siayan town sa Zamboanga del Norte na may poverty incidence na 97.46 percent, baka wala ring gaanong nagawa ang matabil mong dila.
Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na ngayon.
Nicanor Perlas
January 10, 1950
Capricorn:
May walong araw pa bago opisyal na magsimula ang campaign period kung saan inaasahang gagastos nang todo-todo ang mga kandidato. Dahil sa mababang rating sa survey, mahihirapan kang kumalap ng campaign contributions.
Habang abala sa paghahanap ng financial support, makakatanggap ka ng ‘good news’ at ‘not so good news’ bago matapos ang linggong ito. Ang good news: susuportahan ka ng pamilya Ayala. Ang ‘not so good news’ – ng pamilya ni Joey Ayala: karaniwang tao.
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno.
Gilbert Teodoro
June 14, 1964
Gemini:
Iwasang makunan ng larawan kasama ang isang babaeng may nunal sa kaliwang pisngi. May dalang kamalasan ‘yan. Mas lalong iwasang makunan ng larawan kasama ang isang ginoong napakalaki ng katawan ngunit napakaliit ng boses. Doble ang kamalasang dala niyan.
Mauungusan mo sa susunod na survey sina Noynoy at Villar… kung sa La Salle campus gagawin ang survey.
Posibleng umagaw ng boto sa ‘yo ang isang female presidential candidate na berde rin ang campaign color. Malas mo lang dahil pareho pa kayo ng gupit. Remedyuhan habang maaga.
Manny Villar
December 13, 1949
Sagittarius:
Sa pananalapi: napakasuwerte mo. Ni singko ay wala kang utang. Umuulan ang iyong pera kaya naman bumabaha ang iyong political ads.
Dahil sa ‘yo, muling mag-iinit ang Senado sa linggong ito. Consistent kang tao. May isang salita. Hindi ka sisipot sa pagdinig ng plenaryo. Kaya’t patuloy na magtatanong ang taong-bayan: guilty or not guilty? Dahil sa patuloy na pag-iwas mo sa iyong mga accusers, malamang na iwasan ka na rin ng mga botante. Ang payo ng mga bituin: simulan mo na ang paghahanap ng tindahang nagbebenta ng suwerte. Kakailanganin mo ‘yan ngayong Mayo.
Babala: kung ayaw mong umuwing may black eye, iwasan ang isang babaeng may initials na JM. May maitim siyang balak sa ‘yo. Matagal ka na niyang hina-hunting. Clue sa katauhan ng babae: mukha siyang lalaki.
Jamby Madrigal
April 26, 1958
Taurus:
Kung may mga sanggol na ipinaglihi sa hilaw na mangga, maasim na siniguelas, o hinog na duhat, naniniwala ang mga bituin na ikaw naman ay ipinaglihi sa sama ng loob. Tila malaki ang kinikimkim mong galit sa pulitiko man o sa mga kamag-anak mo. Isa kang ‘bully’ sa iyong past life.
Babala ng mga bituin: Chill. Baka dumating ang araw na maubusan ka ng maaaway at ibaling mo ang iyong galit sa iyong sarili.
Sa pag-ibig, walang gaanong pagbabagong nakikita ang mga bituin. Masyadong maulap ang aspetong romantiko ng iyong buhay.
Sa pulitika, sinabi mo last week na hindi ka naniniwala sa mga surveys. ‘Wag kang mag-alala. Hindi rin sila naniniwala sa ‘yo! Quits lang pare.
Bro. Eddie Villanueva
October 6, 1946
Libra:
Ang katulad mong Born-Again Christian at spiritual leader ay hindi naniniwala sa mga hula.
Ang sabi ng mga bituin: ‘Pwes, hindi rin kami naniniwala sa ‘yo.’
Wala kang horoscope!
-----------
“There are many methods for predicting the future. For example, you can read horoscopes, tea leaves, tarot cards, or crystal balls. Collectively, these methods are known as “nutty methods.” Or you can put well-researched facts into sophisticated computer models, more commonly referred to as ‘a complete waste of time.’”
~ Scott Adams
Survey Says
Your unsolicited advice to Sen. Manuel Villar Jr.:
Face your Senate accusers! 67%
Ignore them! 9%
Bahala ka sa buhay mo! 24%
We have a new survey. Please vote now.
Stay safe!

0 Responses to "AYON SA MGA BITUIN"
Post a Comment